NAGING kapuna-puna ang dami ng taong lumabas ng kanilang mga bahay para makapamasyal sa mga mall at park makaraang ipatupad ang Alert Level 3 sa National Capital Region (NCR) noong Sabado sa Muntinlupa City.
Ibinaba ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ang alert level sa NCR mula Alert Level 4 hanggang sa Alert Level 3 na magtatapos ng hanggang Oktubre 31.
Sa ilalim ng Alert Level 3, mas marami nang negosyo at aktibidad ang pinayagang magbukas kabilang ang mga sinehan.
Gayundin, hindi lamang sa malls at parks ang dinagda pati na rin ang pagdami ng mga pribado at pampublikong sasakyan sa major thoroughfares gayundin ang bilang ng mga pasahero sa mga transport terminal.
Ayon kay Muntinlupa police chief, Col. Melecio Buslig,sa pagbaba ng alert level ay nagkaroon ng biglaang pagdami ng tao na kumakain sa dine-in restaurants gayundin sa malls, parks at iba pang lugar na pinagtitipunan.
Dahil na rin biglang pagbuhos ng mga taong sa lansangan, naranasan ang mabigat na daloy ng trapiko mula Muntinlupa patungong Binan, Laguna Sabado ng hapon hanggang gabi.
Ang SM Center Muntinlupa ay nag-adjust na ng kanilang oras ng operasyon ng pagbubukas mula ala-10 ng umaga hanggang alas-9 ng gabi habang ang operasyon naman ng Starmall Alabang na magtatagal ng hanggang Oktubre 31 ay alas-9 ng umaga hanggang alas-8 ng gabi sa mula Lunes hanggang Huwebes, alas-9 ng umaga hanggang alas-9 ng gabi tuwing Biyernes at mula alas-10 ng umaga hanggang alas-9 ng gabi naman sa mga araw ng Sabado at Linggo.
Sa ilalim ng implementasyon ng guidelines ng IATF ay ang mga kustomer na nasa edad 18 hanggang 65 taong gulang ay papayagan lamang sa loob ng mga malls kung saan ang supermarket, drug stores, convenience stores, bangko, courier services, money changer & remittance services, ATM centers, hardware at home essentials ay bukas sa operasyon.
Ang mga restoran at iba pang kainan na may al fresco dining ay papayagang magbukas ng hanggang 50% kapasidad at indoor dining ng 30% kapasidad para sa mga fully vaccinated customers lamang kung saan maaari rin silang tumanggap ng mga order para sa pick-up, takeout at delivery.
Ang mga beauty salons, barber shops at nail spas ay pinapayagan na ring magbukas ng hanggang 50% kapasidad kung isasagawa ito ng outdoor at 30% naman sa aktibidad sa indoor para din sa mga fully vaccinated na customers lamang.
Gayundin para sa mga fully vaccinated na indibidwal ang pinapayagan na makapasok sa mga recreational venues tulad ng arcades, bowling alleys, cinemas at kahalintulad na lugar ng mayroong 30% kapasidad din lamang.
Pinapayagan na rin sa mga malls ang operasyon ng mga pet shops, book stores, IT shops, toy stores, fashion at retail shops. MARIVIC FERNANDEZ
935865 819393extremely nice put up, i certainly adore this web site, carry on it 857960