(Nang sumailalim sa GCQ) BULACAN WALANG KASO NG NASAWI SA COVID-19

Daniel R. Fernando

BULACAN–WALANG naitalang kaso ng pagkamatay sanhi ng COVID-19 sa lalawigan ito mula nang isailalim sa General Community Quarantine.

Nabatid na nito lamang Marso 15, nasa 126 na mula sa 261 ang gumaling mula sa COVID-19 base sa ulat ng PHO-PH COVID-19 Surveillance.

Gayundin, tiniyak ni Bulacan Governor  Daniel Fernando  na sa sandaling buksan na ang Molecular Laboratory sa lalawigan na may dalawang PCR machine bukod pa sa GeneXpert machine ay aabot  sa 300 na mga sample ang maaaring masuri kada araw.

Kaugnay nito, inatasan din ni Fernando si Bulacan Provincial Health Chief Dra.Jocelyn Gomez na makipagpulong sa mga municipal health officer upang maipaalam na hindi na papayagan ang home quarantine para sa mga pasyenteng asymptomatic.

Inihayag din ng Gobernador sa nasabing pulong na nagbigay ang Regional Task Force on COVID-19 Central Luzon ng 2,000 sets ng personal protective equipment na may kasamang sterile protective suit, medical overboot (shoe cover), KN95, medical gloves, surgical masks, protective gowns, head cover, face shields at aprons, gayundin ang 3,000 Rapid Diagnostic Test (RDT) kits.

Samantala, nilinaw naman ni Gomez na sa 261 na mga positibong kaso, 33 dito ang mga health worker at 13 lamang sa mga ito ang nagtatrabaho sa lalawigan habang 20 ang nagtatrabaho sa mga ospital sa labas ng Bulacan. THONY ARCENAL

Comments are closed.