NANGANAK AT MGA BUNTIS NA KAPUSO STARS

MAY baby boom yata sa Kapuso stars.  Katatapos lamang magsilang ni Iya Villania-Arellano  ng second showbiz eyebaby boy nila ni Drew.  Next month, magsisilang na si Rich Asuncion ng first baby nila ni Benj Mudie.

Si Rochelle Pangilinan ay preggy na sa first baby nila ni Arthur Solinap, at ngayon si LJ Reyes naman, preggy na ng kanyang second baby at first baby naman nila ni Paolo Contis.

YASMIEN KURDI IPINAKITA ANG PAGIGING BIDA

YASMIEN KURDIPARA sa mga sumusubaybay ng afternoon prime drama series na “Hindi Ko Kayang Iwan Ka,” si Yasmien Kurdi ang pinaka-bida talaga sa kanila, sa ipinakita nitong lakas ng loob na labanan ang lahat ng mga hirap na kinaharap niya.  Isang advoca-serye ang HKKIK dahil si Yasmien as Thea ay isang HIV positive, pero pino-promote nila rito na hindi dapat katakutan ang mga taong HIV positive, basta hindi sila hihinto sa pag-inom ng tamang gamot para sa kanilang sakit.

Kahapon ay finale na ng serye na kasama rin niya sina Mike Tan, Martin del Rosario, Jackie Rice, Ina Feleo, Gina Alajar, Jackie Lou Blanco, kaya marami nang naghihintay kung paano magwawakas ang story na sinimulan nang mapanood noon pang February, 2018.  May separation anxiety na sila nang mag-last taping day sila at nagkaiyakan sila sa set.  Paano nga, Nobyembre pa last year, nagsimula na silang mag-taping kaya naging close na sila talaga sa isa’t isa. Pero para hindi mahalatang malungkot ang paghihiwa-hiwalay nila, nag-party sila sa set, kantahan, sayawan.

Ayaw mag-spoiler si Yasmien kung ipagtatapat ba niya kay Marco (Mike) na hindi niya tunay na anak ang batang ipinaaangkin sa kanya ni Aeva (Jackie).  Dalawang bagay kasi kung ipagtapat niya, papatayin ni Elvira (Jackielou) ang mga anak niya pero maaangkin naman niya at ng mga anak nila si Marco.

Sa direksiyon ni Neil del Rosario, ang “Hindi Ko Kayang Iwan Ka” ay napapanood pagkatapos ng “The Step Daughters.”

MAINE MENDOZA NAG-BREAK SA SHOOTING

PARA DUMALO SA ENGAGEMENT PARTY NI SHEENA HALILI

MAINE MENDOZANATUWA ang mga fans ni phenomenal star Maine Mendoza nang maki-pose siya sa family ni Sheena Halili at nakitaas din siya ng kamay kay Sheena at sa Mommy nito, na ipinakita ang engagement ring ni Sheena, si Mommy ng wedding ring niya, pero si Maine, wala namang suot na singsing sa kanyang left hand ring finger.

Nag-break nga sa shooting si Maine ng “Jack Em Popoy” movie nila nina Bossing Vic Sotto at Coco Martin for the coming Metro Manila Film Festival sa Disyembre, para um-attend ng engagement party ni Sheena sa fiancé nitong si Jeron Manzanero.

Naging close sina Maine at Sheena nang gawin nila ang teleserye nilang “Destined To Be Yours” na katambal ni Maine si Alden Richards, for GMA Network in 2017.  Since then, kung may important date sa pagkakaibigan nila, present ang isa’t isa.  At nang maging boyfriend na ni Sheena si Jeron, madalas nilang kasama ito kung may night out sila.

Kaya nga si Maine, nag-post agad sa kanyang Twitter account ng pagbati kay Sheena, after the marriage proposal: “Congratulations, friend! I am sooooo happy for you!  This is it!!! I pray nothing but the best for you and Jeron.  Stay happy, @mysheenahalili.

Comments are closed.