NANGANAK NA PULIS, SANGGOL LIGTAS NA SA COVID-19

MAAYOS na ang lagay at negatibo na sa COVID-19 ang pulis na nanganak sa quarantine facility sa Camp Crame, Quezon City noong isang linggo.

Ito ang kinumpirma ni Philippine National Police (PNP) Deputy Chief for Administration Lt. Gen. Joselito Vera Cruz, ang komander ng Administrative Support to COVID-19 Operations Task Force (ASCOTF).

Ayon sa heneral gumaling na ang policewoman at ang bagong silang na anak nito.

Magugunitang noong isang linggo ay nanganak ang ginang sa loob ng Kiangan Emergency Treatment Facility (KETF) kung saan ang nagpaanak sa kanya ay dalawang kasama na naka-isolate dahil positibo rin ang sa nasabing virus.

Nabatid na maging ang isinilang na sanggol ng policewoman ay nagpositibo rin sa COVID-19 at ngayon ay magaling na rin.

Una nang sinabi ni PNP Chief Gen. Guil­lermo Eleazar na kanilang babantayang ang kondisyon ng mag-ina kaya pasalamat ang se­nior officers sa paggaling ng mga ito.

Pinuri rin ni Eleazar ang dalawang kasamahan ng policewoman na tumulong sa pagpapaanak nang ligtas sa kapwa nila pasyente.EUNICE CELARIO

Comments are closed.