NASA 25M trabaho ang nanganganib na mawala kung hahayaang bumagsak ang airline industry dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Ayon sa International Air Transport Association (IATA), sa kasalukuyan ay halos 3 milyong manggagawa na ng airline industry sa iba’t ibang panig ng mundo ang nawalan ng trabaho dahil sa pagtigil ng operasyon na dulot ng lockdown at travel ban sa iba’t ibang bansa.
Anila, pansamantala ring itinigil ng airlines ang refund sa mga pasaherong hindi nakapagbiyahe dahil sa kawalan na ng pondo.
Ayon sa IATA, pinakahuling casualty ng COVID-19 pandemic ang Germanwings, isa sa airlines sa ilalim ng Lufthansa na nagpahayag na ng pagsasara ng kompanya. DWIZ 882
Comments are closed.