MAYNILA – NAGPARAMDAM na umano ang barangay Chairman na nanggulpi sa menor sa pamamagitan ng pagpapadala ng surrender feeler kay Manila Mayor Joseph Estrada.
Matapos ang 46 oras na ultimatum kay Chairman Felipe Falcon Jr., ng Barangay 350, Zone 35, District 2, Sta. Cruz, nagpadala na ito ng surrender feeler sa kondisyong susuko lamang ito sa alkalde.
Ayon sa biktima, nagtungo lamang ito sa barangay hall upang isauli ang cellphone ng kanyang kaibigan nang makasalubong ang tserman na noo’y lasing.
Dahil hindi nito nakilala ang tserman, tinawag nitong “kuya” na nasundan ng “Kagawad” dahilan para ikagalit ni Falcon.
Dito na sinampal ni Falcon ang biktima ng cellphone, hinampas ng belt at metal dry seal saka inumpog ang ulo sa xerox machine.
Una nang inatasan si P/Sr. Supt. Marcelino Pedroso, acting MPD chief, na magsagawa ng manhunt operation laban sa suspek na hanggang ngayon ay nagtatago pa rin. PAUL ROLDAN
Comments are closed.