NANGHIPO NG MENOR SA PC SHOP KALABOSO

Kulungan

MALAMIG na rehas ngayon ang hinihimas ng isang construction worker matapos na maaresto ng awtoridad nang ireklamo ng panghihipo sa isang menor sa maselang bahagi ng katawan nito sa loob ng isang compu­ter shop sa Malate, Manila.

Nahaharap na sa kasong Acts of Lasciviousness in relation to RA 7610 o Child Abuse ang suspek na si Jonathan De Vera, binata, 35-anyos, nakatira sa Abad Santos, Tondo, Manila at tubong  Brgy. Duyong, San Carlos, Pangasinan.

Sa imbestigasyon ng Manila Police District (MPD) – Station 9, nangyari ang insidente sa loob ng Deep Blue Computer Shop sa kahabaan ng Dominga St., Malate, Manila.

Nabatid na kasalukuyang naglalaro sa internet ang biktima na isang Grade 9 student nang daanan siya ng suspek at sinadyang hawakan ang maselang parte ng kanyang katawan. PAUL ROLDAN

Comments are closed.