NANGIKIL SA LUMAD, NPA TUMBA SA BAKBAKAN

NPA

BUKIDNON – PATAY ang isang miyembro ng Communist Party of the Philippines – New People’s Army terrorist (CNT) na nangingikil sa mga Lumad makaraang maka-engkuwentro ang 65th Infantry STALWART Battalion (65IB) sa Brgy. Laco­lac, Ba­ungon alas-5:20 ng umaga kahapon.

Nabatid na ipinagbigay alam ng residente sa lugar ang presensiya ng mga rebelde sa kanilang lugar kaya naman nagsagawa ng operasyon ang militar upang itaboy ang mga ito.

Subalit nang ma­mataan umano ng mga rebelde na Guerilla Front Committee 68 ng North Central Min­danao Regional Command ang mga naka-unipormeng militar ay umalingangaw ang putok na naging hudyat ng laban sa Purok 1 sa nasabing barangay.

Umabot sa 40 minuto ang labanan hanggang magsitakas ang mga rebelde at sa clearing operation ay natagpuan ang labi ng isang rebelde.

Sinabi ni 1st Lt. Tere Ingente (FS) PA, Chief, Division Public Affairs Office na nakuha ng mi­litar sa katawan nito ang armas na M16 rifle sa encounter site.

Ikinalungkot naman ni Brigadier General Eric Vinoya na nauwi sa kamatayan ng rebelde ang insidente at sa halip na sumuko nang matiwasay.

“It is very unfortunate that we lost another Filipino life today when an NPA terrorist died during an encounter with the troops of 65th Infantry Battalion. This could not have happened if the leaders of said terrorist organization did not deceive and offer lies to our poor farmers and Lumads, which forced them to take up arms against the government,” ayon kay Vinoya.

Nanawagan naman si Maj. Gen. Ronald Villanueva, Commander ng 4th Infantry Division sa mga rebelde na sumuko at sumailalim sa Enhanced Comprehensive Local Integration Program (ECLIP) upang maging normal ang buhay.

“ I am sure many of them wanted to go home to their families and love ones; many of them are tired of their life in the armed movement; and many of them want to experience a life away from chaos, hunger and fear of losing their lives in an encounter with our troops. I call on the remaining NPA terrorists not to waste your time in the failed armed revolution, these are the times that should be spent happily with your families and love ones,” ayon kay Villanueva.     EUNICE C.

Comments are closed.