NANGMOLESTIYA NG MAY KAPANSANAN NADALE

patay

QUEZON – DEAD on arrival sa pagamutan ang suspek sa panggagahasa sa isang menor na mentally challenged nang manlaban ito sa mga pulis na dadakipin sana sa kanyang bahay  sa Lucena City.

Kinilala ng Lucena PNP ang napatay na si alyas Mike, 24-anyos, drug personality at kilalang nagtutulak ng droga na residente rin ng  nasabing siyudad.

Ayon kay PLt. Col. Romulo Albacea, hepe ng Lucena City PNP, matapos na dumulog at naghain ng reklamo sa himpilan ng pulisya  ina ng 11-anyos na biktima  na hinalay umano ng naturang suspek.

Lumilitaw sa imbestigasyon na  naglalaro lamang sa tabing-ilog ang biktima nang isagawa ng suspek ang umano’y panghahalay.

Agad na ipinag-utos ni Albacea ang paghahain ng reklamo at agarang pagdakip sa  suspek.

Subalit sa halip na sumuko ng maayos matapos na matunton ng mga pulis ay bumunot ng kalibre .38 na baril ang suspek at nakipagpalitan ng putok sa awtoridad.

Nagawa pang maitakbo sa pagamutan ang suspek, subalit nalagutan din agad ng hiniga sanhi ng tatlong tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan. VERLIN RUIZ

Comments are closed.