Agad sinibak ni TV5 Chairman Manuel V. Pangilinan ang TV5 News and a public Affairs program manager na si Cliff Gingco matapos ang imbestigasyon sa umano’y pangmomolestiya nito sa isang baguhang talent ng network.
Nagsagawa ng imbestigasyon ang Kapatid Network matapos matanggap ng kampo ni Sen. Raffy Tulfo ang reklamo ng isang male news researcher na biktima umano ng sexual abuse ni Gingco.
Naganap umano ang panghahalay sa isang hotel sa Pasig noong July 23, 2024 limang araw matapos siyang magtrabaho bilang news researcher.
Nagdulot umano ito sa kanya ng matinding trauma
Agad umaksyon si Tulfo noong August 9 gamit ang kanyang programa sa TV5 na Wanted sa Radyo at nagbanta pang magbibitiw sa TV5 at magpapatawag ng Senate hearing kapag hindi sinibak ng Kapatid Network si Gingco.
Agad namang umaksyon ang pamunuan ng TV5 at mismong si Manny Pangilinan pa ang nagbalita kay Tulfo na tapos na sinibak na sa trabaho si Gingco.
RLVN