BUKING ang ilegal na modus ng isang 50-anyos na lalaki matapos mangotong ng P11,000 sa isang grade 11 student ng Unibersidad de Manila (UDM) o umano’y tinatawag na ‘enrolment for sale’ sa Maynila
Kinilala ang suspek na iniharap kay Manila Mayor Isko Moreno na si Celso Dimanlig.
Ayon kay Moreno, hiningan ng suspek ang estudyante ng halagang P11,000 upang makapag-enrol sa nasabing unibersidad na pinapatakbo ng pamahalaang lungsod ng Maynila.
“Kaya itinatag ang UDM ay para makapagbigay ang pamahalaan ng pagkakataon sa mga bata na mahihirap na makapag-aral,” wika ng alkalde.
Si Dimanlig ay inaresto ng mga tauhan ng Manila Police District Special Mayor’s Reaction Team (MPD-SMaRT) sa isinagawang entrapment operation matapos magreklamo ang nanay ng biktima.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Robbery Extortion at Swindling o Estafa ng Revised Penal Code. PAUL ROLDAN
Comments are closed.