NANGUNA SI MARK VILLAR SA HULING SENATORIAL SURVEY NA ISINAGAWA NG HKPH-PUBLIC OPINION AND RESEARCH CENTER/ ASIA RESEARCH CENTER”

Mark Villar

Batay sa pinakahuling resulta ng survey mula sa HKPH-Public Opinion and Research Center katuwang ang Asia Research Center na nakabase sa Hong Kong, nanguna sa senatorial survey ang Senatorial aspirant at dating Kalihim ng Department of Public Works and Highways (DPWH) Mark A. Villar para sa paparating na halalan sa Mayo 2022 na may 70.5%.

“Isang malaking karangalan at inspirasyon po sa akin ang suporta, tiwala at pagpapahalaga sa aking serbisyo publiko. Masaya po ako sa resulta ng survey at maraming salamat po sa mga taong sumusuporta at naniniwala sa aking kakayahan na mag lingkod sa ating bansa. Isang malaking karangalan po ito saakin”, sabi ni Villar.

Sinundan si Mark Villar Mark Villar (70.5%) ni Antique Representative Loren Legarda (66.3%), broadcaster na si Raffy Tulfo (62.7%), Sorsogon Governor Francis “Chiz” Escudero (58.4%), Senador Juan Miguel “Migz” Zubiri (45.1%) at ang Filipino film actor Robin Padilla (46.8%).

Samantala ang nasa ika-7 hanggang ika-12 na puwesto ay sina Senador Win Gatchalian (46.2%), dating House Speaker Alan Cayetano (45.1%), dating Bise Presidente Jejomar “Jojo” Binay (43.7%), dating Senador JV Estrada Ejercito (41.5%), dating Senador Jinggoy Estrada (37.8%) at and dating Senador Gringo Honasan (34.1%).

Kasama rin sa listahan ng mga napupusuang kandidato sa pagkasenador ay sina Senador Risa Hontiveros (33.4%), Sen. Joel Villanueva (31.6%), Senador Dick Gordon (28.1%), dating alcalde ng Quezon City Herbert Bautista (25.3%), dating Senador Antonio Trillanes IV (23.5%), dating Presidential Spokesperson Sec. Harry Roque (22.7%), dating  Defense Secretary Gilbert Teodoro (21.2%), Senador Leila De Lima (17.5%), dating  Philippine National Police (PNP) Chief Guillermo Eleazar (17.2%), Astravel “Astra” Pimentel-Naik (16.8%), Atty. Chel Diokno (14.6%) at si Atty. Lorenzo ‘Larry’ Gadon (13.5%).

“Maraming salamat po ulit sa HKPH-Public Opinion and Research Center, asahan niyo na akin pong ipagpapatuloy ang magandang nasimulan ng Build Build Build Program upang makapagbigay ng kabuhayan para sa mga manggagawang Pilipino. Salamat po suporta saakin lalo na po ang adhikain natin na ipagpatuloy ang ‘Build Build Build’, Mahal ko po kayo”, dagdag ni Villar.

Ang nasabing survey ay isinagawa mula Abril 24-28, 2022, gamit ang face-to-face interviews sa 5,500 rehistradong botante na may margin of error na 3% (+/-).