NANLABAN SA PULIS: 3 DRUG PEDDLERS UTAS

NUEVA ECIJA- DEAD on the spot ang tatlong lalaki na umano’y mga tulak ng droga sa bayan ng Talavera at karatig-bayan sa lalawigang ito.

Sa report ni P/Lt.Col. Heryl Bruno, kinilala ang mga napatay na sina Danilo Botones y Lim,kasama sa unified drug watchlist gayundin ang magkapatid na sina Roland at Leo Maniquiz kapwa nasa hustong gulang at residente ng General Tinio.

Nabatid na bahagi ng Oplan SACLEO, ini­lunsad ang buy-bust operation ng Talavera Pulis at Philippine Drug Enforcement Agency.

Ganap na alas-11:05 ng gabi nang isagawa ang operasyon na nauwi sa engkuwentro sa Brgy. La Torre sa nabanggit na bayan.

Nakuha ng Scene of the Crime Operatives,ang isang Cal.45 na walang serial number at dalawang Cal.38 na baril, mga bala at ilang gramo ng shabu at buy bust money.

Kaugnay nito, muling nanawagan sa publiko si Col. Bruno sa mga drug-pusher na tigilan na ang paggamit at pagbebenta ng shabu, sa halip magbagong buhay para sa mas magandang kinabukasan. THONY ARCENAL

148 thoughts on “NANLABAN SA PULIS: 3 DRUG PEDDLERS UTAS”

  1. 353604 813929Its like you read my mind! You appear to know a great deal about this, like you wrote the book in it or something. I think which you could do with several pics to drive the message home a bit, but other than that, this is fantastic blog. An excellent read. Ill definitely be back. 729895

Leave a Reply

Your email address will not be published.