NANLABAN SA PULIS, TULAK UTAS SA BUY BUST

LEYTE-NASAWI ang isang drug suspek matapos itong manlaban sa mga tauhan nang Philippine National Police na isagawa nila ang buy bust operation sa Barangay Sagkahan, Carigara sa lalawigang ito.

Ayon kay PNP Officer-in Charge Lt Gen Vicente D Danao Jr, ang nasawi ay kinilalang si Edward Rojas,36-anyos,

Aniya, batay sa ulat mula sa PNP Leyte, nagpaanggap na buyer ang isang pulis pero nang matunugan ng suspek na ang nakikipag transaksyon sa kanya ay mga pulis, agad itong nagpaputok nang kanyang bitbit na baril pero mabilis na nakakubli ang mga operatiba.

Gumanti naman ng putok ang mga pulis at tinamaan tinamaan ang suspek sa iba’t ibang parte ng kanyang katawan.

Isinugod pa ito sa Carigara District Hospital pero idineklarang dead on arrival ng mga doktor.

Nakuha sa pag-iingat ng nasawing suspek ang isang caliber 45 pistol, motorsiklo, buy bust money at limang piraso ng transparent plastic sachet na may lamang shabu na siyang ibinenta sa pulis nagpanggap na buyer.

Tiniyak naman ni Danao na magpapatuloy ang kanilang operasyon kontra iligal na droga para makamit ang safer and drug-free community. REA SARMIENTO