NANLOOB SA DRUG STORE NASAKOTE

NAARESTO ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detention Unit ang tatlo sa limang suspek na responsible sa panloloob sa Mercury Drug Store sa Fairview.

Kinalala ang mga suspek na sina Orlando Dizon Vidal Jr., 23-anyos; Jay Curada Dangcalan, 21-anyos, kapwa residente ng Brgy. Silangan, San Mateo, Rizal; at Daniel Serivan Castro, 26-anyos ng Brgy. Sta Lucia, Novaliches, Quezon City.

Nadakip ang mga suspek bandang alas-11:30 ng gabi nitong Lunes habang patuloy pa ring pinaghahanap ang dalawa pang nakatakas na suspek na sina Oval Vidal Jr at Tygie Igas Enano Jr.

Nasakote ang mga suspek matapos ikasa ng mga tauhan ng CIDU at Fairview Police ang manhunt operation laban sa mga ito na nag-ugat sa insidente ng panloloob ng naturang drug store sa Fairview Branch nito nitong Linggo ng madaling araw.

Kasalakuyang nakapiit ang mga suspek sa CIDU sa loob ng Kampo Karingal at mahaharap sa kasong Robbery.
PAULA ANTOLIN