QUEZON CITY – NAPATAY ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) sa ilalim ng pamunuan ni Director, Police Brigadier General Joselito T. Esquivel Jr. ang nanloob sa isang Spa sa Quezon City at nakipag-enkuwentro pa sa mga awtoridad ng Masambong Station (PS 2) sa ilalim ni PLTC Rodrigo Soriano.
Kinilala ni Esquivel, ang napatay na suspek na si Alvin Gutan, 32, ng Bagong Barrio, Caloocan City.
Pumasok ang suspek sa Florences Spa sa Brgy. San Antonio at nag-request para sa massage.
Matapos ang massage service, dito na naglabas si Gutan ng dala nitong baril at nagdeklara ng holdup.
Kinuha nito mula sa apat na tauhan ng Spa ang kanilang cash at iba pang mahahalagang gamit katulad ng cellphone, gold neck-lace, gold plated wrist watch bago tumakas.
Agad namang iniulat ng mga biktima ang insidente sa Brgy. San Antonio na agad namang ipinagbigay alam ng mga ito sa PS 2 na mabilis namang nagresponde .
Dahil dito, isang follow-up operation ang agad na isinagawa ng awtoridad at nang aarestuhin na ang suspek ay nanlaban ito kaya nabaril ng mga pulis at nasawi. PAULA ANTOLIN
Comments are closed.