NAOOSPITAL SA LEPTO TUMAAS

leptospirosis

TUMAAS  pa ang bilang ng mga pasyente na naka-confine sa National Kidney and Transplant Institute (NKTI) sa Quezon City dahil sa sakit na leptospirosis.

Iniulat na mula  27 pasyente kamakalawa ay  32 na ang pasyente sa NKTI na ginagamot dahil sa leptospirosis.

Mula sa iba’t ibang lungsod sa Metro Manila at mga kalapit na lalawigan ang mga ba­gong pasyente.

Kamakalawa ay binisita ni Health Secretary Francisco Duque III at iba pang mga opisyal ng Department of Health (DOH) ang mga pasyente.

Pagtitiyak ng DOH at NKTI, handa ang mga pasilidad at mga health workers sa pag­responde sa mga kaso ng sakit. Nanawagan din ang mga health official ng dugo para sa mga ito.

Hinimok  ang publiko na agad na  magpakonsulta sa mga health center kapag lumusong sa tubig baha, may sugat man o wala.

One thought on “NAOOSPITAL SA LEPTO TUMAAS”

  1. 742259 253673Wow! This can be 1 particular with the most valuable blogs We have ever arrive across on this topic. Truly Excellent. Im also an expert in this topic so I can realize your hard function. 189259

Comments are closed.