(Napatunayan sa Senado) PAG-IMPORT NG 300K MT NG ASUKAL ‘DI APRUB NI PBBM

NAPATUNAYAN  sa pagdinig ng Senado na hindi inaprubahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Sugar Order No.4 o ang nakatakdang pag-i- import ng 300,000 metric tons ng asukal.

Inamin ni dating Sugar Regulatory Administration ( SRA) administrator Hermenegildo Serafica na hindi inaprubahan ng Pangulo ang nasabing kautusan.

Inimbestigahan ng House Committee on Good Governance and Public Accountability at House Committee on Agriculture and Food ang ilegal na pagpirma sa Sugar Order No. 4 na nakatakdang mag-import ng 300,000 metrikong tonelada ng asukal.

Sinabi rin ni Serafica na itinuloy nila ang referendum kahit wala itong nakuhang tugon mula kay Marcos ukol sa nasabing order.

Ipinaliwanag din niya na maaaring magpasya ang board sa pamamagitan ng referendum.

Nang tanungin ni Committee on Good Governance and Public Accountability Chairperson Rep. Florida Robes si dating Agriculture Undersecretary Leocadio Sebastian kung hiningi nito ang pag-abruba ni Marcos bago niya lagdaan ang resolusyon, ang sagot niya ay hindi.

Ang imbestigasyon ng Senate blue ribbon panel ay bunsod ng privilege speech ni Senate President Juan Miguel Zubiri kung saan iginiit nito na ang kickback mula sa pag-import ng asukal ay maaaring umabot ng hanggang P600 milyon.

“Let me put it in proper context, 300,000 metric tons of sugar is six million bags. At P50, that is P300 million. At P100, that is an income of P600 million possible ‘tongpats’ na matatanggap,” sinabi ni Zubiri noong Agosto 15.

Nanawagan si Zubiri para sa pagbibitiw sa mga opisyal ng SRA na sangkot sa pagpapalabas ng “illegal sugar order.” LIZA SORIANO