MAGPAPATUPAD ng bagong protocol ang pamahalaan para sa mga umuuwi sa kani-kanilang probinsiya.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, isasalang na sa PCR test ang lahat ng uuwi sa kani-kanilang mga lalawigan maging ito ay Overseas Filipino Workers (OFWs) o Locally Stranded Individuals (LSIs) o maging ang kalahok sa Balik Probinsiya Program.
Sa harap ito ng reklamo ng ilang Local Government Units (LGUs) na dating walang coronavirus disease (COVID-19) case sa kanilang lugar subalit napasukan ng COVID-19 positive mula sa mga nagbalik probinsiya.
Sinabi ni Roque na hindi naman maituturing na lapses ito sa panig ng pamahalaan kundi isang kaso lamang ng kakulangan ng test kits para sa mga magbabalik probinsiya. DWIZ 882
Comments are closed.