NAPOLES OUT NA SA WPP COVERAGE

NAPOLES

TINAPOS na ng Department of Justice ang provisional Witness Protection Program (WPP) coverage sa umano’y pork barrel scam queen na si Janet Lim-Napoles.

Matatandaan na humi­ling si Napoles na maisailalim sa WPP ng pamahalaan dahil sa mga natatanggap na banta sa buhay nito, partikular ang  mailipat ang kanyang selda sa Camp Bagong Diwa. Noong Pebrero rin ay inaprubahan ng DOJ ang kahilingan nito na may saklaw lamang na hanggang 90 araw o tatlong buwan.

Nang makita na wala namang banta na tuluyang magpapahamak kay Napoles, nagdesisyon na  si Justice Secretary  Menardo Guevarra na tanggalin na sa WPP ang itinuturong pork barrel scam queen.

Comments are closed.