NARARAPAT GAWIN AT KAILANGANG IWASAN NGAYONG TAG-ULAN

PAGIGING healthy at maganda, hindi dapat iyan mawala lalong-lalo na sa mga kababaihan. Sa kahit na anong panahon nga naman, isinasa­alang-alang ito ng mga kababaihan. At ngayong tag-ulan, may mga bagay tayong dapat na isaalang-alang para mapanatili nating healthy at maganda ang ating kabuuan.

Narito ang ilan sa nararapat gawin at kailangang iwasan:

IWASAN ANG MAKAKAPAL NA MAKEUP

Kapag ganitong parating umuulan, kailangang iwasan natin ang paglalagay ng makapal na makeup. Puwede kasi itong mabura at kumalat sa mukha. Kaya mas magiging ligtas ang light lang na makeup.

Dapat ding gumamit ng water proof mascara, eye liners, foundation at transfer resistant lipsticks kung hindi maiiwasan ang paglalagay ng makeup.

LINISING MABUTI ANG MUKHA

girl-faceBago maglagay ng makeup, linisin munang mabuti ang mukha.

Ang mga babaeng may oily skin ay dapat gumamit ng astringent.

Samantalang toner naman ang swak gamitin sa mga dry at normal skin.

Ang light brown beige, pastel o pink cream na eye shadow ay puwedeng gamitin kasama ng makapal na eyeliner at waterproof mascara.

Ang soft matte lipsticks ay mas magandang tingnan sa mga babae kapag ganitong tag-ulan. Pero kung wala ka nito, maaari kang gumamit ng soft brown o pink shade na may kasamang sheer gloss.

Iwasan naman ang paghawak sa mukha lalo na kung marumi ang kamay.

GUMAMIT NG WATER-BASED MOISTURIZER

Huwag kalimutang gumamit ng water-based moisturizers tuwing tag-ulan upang maiwasan ang pagkakaroon ng oily skin at ac-ne. Kung gusto mong mag-blush on, panatilihin mo lang itong manipis at siguruhing naka-blend ng maayos.

IWASAN ANG PAGGAMIT NG DENIMS

DENIMSIwasan din ang paggamit ng denims ngayong tag-ulan. Sa halip magsuot ng light cotton fabrics, capri pants at three fourths. Iwa-san din ang magsuot ng puti dahil dumihin ito. Iwasan  din ang pagsusuot ng mga delicate fabric gaya ng silk.

At sa bag naman, patok kapag tag-ulan ang mga disenyong kapag nadumihan ay hindi napapansin. Simpleng tips lamang ito pero malaki ang maitutulong upang maging healthy at pretty ngayong tag-ulan. Iwasan din siyempre ang pagpapaulan at ang pagkain ng street food.  CT SARIGUMBA

Comments are closed.