NARCO-LIST ILANTAD BAGO ANG HALALAN-DILG

DILG OFFICE

UMAPELA  ang Department of Interior and Local Government (DILG) sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na ilabas ang narco-list bago ang May 2019 elections.

Ayon kay DILG Undersecretary for Barangay Affairs Martin Diño, kailangan na masampahan ng kaso ang mga alkalde at mga barangay captain na nagpapabaya sa operasyon ng droga sa kanilang lugar.

Samantala, inamin ni Diño na duda siya sa unang narco–list na ibinunyag dahil hindi kabilang dito ang mga barangay sa Metro Manila na talamak ang hulihan ng ilegal na droga.

Karamihan aniya sa sumailalim sa validation ay nasa Mindanao at Visayas.

Sa ngayon ay ang listahan lamang ng mga hindi nagtatag ng Barangay Anti–Drug Council ang nasa pag-iingat ng DILG habang nasa kamay naman ng PDEA ang kontrobersiyal na narco-list.  DWIZ882

Comments are closed.