(Narco-politician ibinulgar ng DILG) DRUG MONEY GINAMIT SA VOTE BUYING

Drug Money

QUEZON CITY – SA tulong ng drug money kung bakit nanalo ang ilang politiko na nasa listahan ng narco-politician.

Ito ang ibinunyag ni Department of Interior and Local Government (DILG) Undersecretart Martin Dino at sinabing posibleng ang drug money ang ginamit sa vote buying sa katatapos na eleksiyon.

Batay sa modus, pami-pamilya ang bilihan ng boto sa mga lugar ng narco-politicians at nasa P10,000 hanggang P25,000 kada pamilya ang presyuhan.

Gayunman, tiniyak ni Diño na babantayan nila ang mga narco-politicians kahit na makaupo ang mga ito sa puwesto.

Partikular aniya nilang tututukan ang aksiyon ng mga local official sa pagtatatag ng municipal and city anti-drug abuse council.

“42 ‘yan na finile-an namin ng administrative case, kaya nga du’n sa envision na naging functional dito sa ADAC. Kaya ‘yon pati barangay na ‘yon, sunod na ‘yan ng functionality ng BADAC. So, marami na kaming pa-file-an ng kaso ngayon dahil nag-a-assess na kami,” pahayag ni Diño.   PILIPINO Mirror Reportorial Team

Comments are closed.