NARCO POLITICIANS IBUBUKING SA MADLA

DILG OIC-Secretary Eduardo Año

QUEZON CITY – TATANGGALAN ng maskara ng Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año ang mga tukoy na narco-politician bago magsimula ang local campaign period sa Marso 30.

Ito ang tiniyak ni Interior Secretary Eduardo Año makaraang makipagpulong kay Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Aaron Aquino at Dangerous Drugs Board chief Catalino Cuy.

Aniya, ang listahan ng mga narco-politicians ay batay sa hawak ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Gayunman, ang pagsasapubliko ng mga narco-politician ay kanilang isasangguni sa Pangulo bago gawin.

Giit ng kalihim, ongoing ang validation sa hawak nilang narco list.

Aniya, kaila­ngan nilang matiyak na walang mga inosenteng politician ang mapabibilang sa listahan dahil unfair ito para sa mga politiko na ginagawa ang kanilang trabaho at hindi sangkot sa mga ile­gal na aktibidad.

Batay sa record na hawak ng PDEA, nasa 83 politicians ang kabilang sa kanilang narco list.

Karamihan dito ay mga mayor, governors, vice governors, vice mayors at mga barangay chairmen.

Samantala, naiulat din dito sa PILIPINO Mirror na nasa 349 na local government executives ang nagbabayad ng campaign fees sa Communist Party of the Philippines-New People’s Army na nasa listahan ng DILG.

Babala ng kalihim, ang mga nasabing local chief executives na sasampahan sila ng kaso kung hindi nila ititigil ang pagbibigay suporta sa NPA. GELO BAIÑO

Comments are closed.