NARCO-POLS PUWEDE PANG MAG-ABROAD

Menardo Guevarra

AMINADO  ang Department of Justice (DOJ) na maaari pang makalabas ng bansa ang mga nasa narco-politicians na pi­nangalanan kamakailan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, hindi pa sila maaring makapag-apply ng hold departure order (HDO) laban sa mga pinangalanan na narco-politician dahil wala pa namang kaso na isinampa laban sa kanila.

Sinabi ni Guevarra na ang maaari lamang nilang gawin ay magpalabas ng immigration lookout bulletin orders (ILBO) upang ma-monitor ang biyahe ng naturang politiko.

“The best that we can do is to issue immigration lookout bulletin orders (ILBOs), which are merely for foreign travel monitoring purposes only,” ayon kay Guevarra.

Una nang nakalabas ng bansa nitong Martes ng gabi si Sinacaban, Misamis Oriental Mayor Crisinciano Enot Mahilac papuntang Singapore kasama ang kanyang pamilya.

Si Mahilac ay kabilang sa 46 narco-politicians na pinangalanan ni Pangulong Duterte. ANA ROSARIO HERNANDEZ

Comments are closed.