NARCO TRADER TIMBOG SA P1.7M SHABU

CAVITE – KALABOSO ang binagsakan ng 29-anyos na narco trader matapos makumpiskahan ng P1.7 milyong halaga na shabu sa inilatag na buy-bust operation ng mga operatiba ng pulisya at PDEA A4 sa isang fastfood chain sa Brgy. Gavino Maderan sa bayan ng General Mariano Alvarez noong Huwebes ng hapon.

Isinailalim na sa tactical interrogation ang suspek na si Ogagang Sulayka y Oreta alyas Layking Casar at nakatira sa Brgy. Datu Esmael, Dasmarinas City, Cavite.

Base sa police report na nakarating sa Camp Pantaleon Garcia, nakatanggap ng impormasyon ang opisina ng Drug Enforcement Team ng GMA kaugnay sa modus operandi ng suspek na kaugnay sa pagpapakalat ng droga sa nasabing lugar.

Isinailalim sa ilang araw na surveillance ang suspek at nang magpositibo ay ikinasa ang buy-bust ope­ration sa pangunguna ni P/Major Gilbert Derla katuwang ang PDEA-A4.

Kumagat ang suspect sa transaksyon nito sa isang pulis na nagpanggap na poseur buyer kaya nasakote ito at nakumpiskahan ng 4 plastic ziplap na shabu na tumitimbang na 260 gramo na may street value na P1.768 milyon.

Narekober din ang ginamit na marked money na P10K kabilang na ang walong pirasong fake money habang pina-drug test naman ang suspek at pina- chemical analysis naman ang shabu na gagamiting ebidensya sa pagsasampa ng kasong paglabag sa RA 9165. MHAR BASCO

6 thoughts on “NARCO TRADER TIMBOG SA P1.7M SHABU”

  1. I’ve been looking for photos and articles on this topic over the past few days due to a school assignment, totosite and I’m really happy to find a post with the material I was looking for! I bookmark and will come often! Thanks 😀
    s

Comments are closed.