MULING nagkaroon ng balasahan sa Philippine National Police (PNP) makaraang iangat ang posisyon ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Maj Gen. Jose Melenction Nartatez Jr at itinalaga bilang Deputy Chief for Administration, ang ikalawang pinakamataas na posisyon sa PNP kasunod ni PNP Chief Gen. Rommel Francisco Marbil.
Papalit naman kay Nartatez bilang Acting Regional Director ng NCRPO si PMaj. Gen. Sidney Hernia.
Itinalaga rin bilang Acting Director ng PNP Forensic Group si PBGen. Benjamin Sembrano, habang itinalaga si PBGen. Constancio Chinayog Jr. bilang Acting Director ng Personnel and Records Management.
Si PCol. Jeffrey Decena ay magiging Acting Regional Director for Administration sa Police Regional Office – 3.
Epektibo ang balasahan sa Miyerkules, October 9.
Samantala, kahapon din ay napaulat na natanggap na ni Police Brigadier Gen. Jean Fajardo, ang hepe ng PNP Public Information Office, ang una niyang star.
EUNICE CELARIO