(Nasa full capacity na) ADMISSION NG ER SA NKTI LILIMITAHAN

DAHILAN sa patuloy na paglobo ng bilang ng COVID-19 at leptospirosis patients ay lilimitahan muna ng National Kidney and Transplant Institute (NKTI) ang admission ng pasyente sa kanilang emergency room matapos na umabot na ito sa full capacity.

Sa ipinalabas na abiso ng NKTI na matatagpuan sa Quezon City, sinabi nito na pansamantala munang limitado ang kanilang ER admission sa emergency, urgent at renal cases.

Idinagdag pa nito na ang ibang kaso ng sakit ay maaaring ilipat na muna sa ibang pagamutan.

“Right now, we are in full capacity of our COVID-19 in hospital beds and the five tents, with more than 50 patients at the ER. bOther cases may have to be transferred to other hospitals,” batay sa advisory.

Nabatid na binuksan na rin ng NKTI ang kanilang gym para sa mga pasyenteng dinapuan ng leptospirosis at ang iba pang pasilidad ay na-convert na para naman sa confirmed at suspected COVID-19 cases.

Naglagay na rin umano sila ng dialysis machines na eksklusibong ipapagamit sa leptospirosis patients upang hindi sila maihalo sa mga pasyente ng COVID-19.

Ayon pa sa NKTI, simula rin kahapon ay magbabawas na sila ng pagpapakonsulta sa Internal Medicine and Nephrology outpatient dahil kailangan nilang i-reassign ang kanilang mga medical at nursing staff kung saan mas kinakailangan ang serbisyo ng mga ito.

Nanawagan rin ang NKTI sa Department of Health (DOH) na dagdagan ang kanilang mga staff.

“Our surgeries are confined only to those which have been previously scheduled in the next two weeks and for patients who are already in the hospital, so as not to compromise our patients,” dagdag pa ng NKTI.

Ang NKTI ay isa lamang sa mga pagamutan sa Metro Manila na dumaranas ng pagdagsa ng mga pasyente ngayong patuloy na tumataas ang COVID-19 cases sa rehiyon. EVELYN GARCIA

6 thoughts on “(Nasa full capacity na) ADMISSION NG ER SA NKTI LILIMITAHAN”

  1. 418380 703897This website is actually a walk-through it truly may be the details you wanted concerning this and didnt know who to inquire about. Glimpse here, and youll completely discover it. 230048

Comments are closed.