(Nasa paligid ng Bulkang Taal) 1,392 RESIDENTE SA 13 BARANGAYS LUMIKAS NA

AABOT sa 1,392 indibidwal o 345 pamilya ang lumikas na sa pa­ligid ng Bulkang Taal sa Batangas.

Inihayag ni National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) Spokesperson Mark Timbal hanggang ala-5 ng umaga kahapon isinasagawa ang naturang paglilikas.

Sa datos ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Council (PDRRMC) ng Batangas, 317 pamilya o 1,282 indibidwal ang nasa 11 evacuation cen­ters habang 28 pamilya o 110 indibiduwal ang pansamantalang tumutuloy sa mga kamag-anak sa mas ligtas na lugar.

Ang mga lumikas ay mula sa 13 apektadong barangays sa 6 na bayan at siyudad sa Batangas.

Ang mga apektadong lugar ay ang Brgy. Poblacion at Sinturisan sa San Nicolas, Batangas; Brgy. Gulod, Boso Boso, Bugaan West, Bugaan East sa Laurel; Subic Ilaya, Banyaga, at Bilibinwang sa Agoncillo; Brgy. Apacay sa Taal; Brgy. Luyos at Boot sa Tanauan City; at Brgy. San Sebastian sa Balete.

Nagbabala naman ang mga kinatawan ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) sa posibleng muling pagsabog ng bulkan kaya dobleng pag-iingat at alerto ang dapat na gawin ng mga residenteng malapit dito. EUNICE CELARIO

AFP SOLCOM
NAKAALERTO
SA GALAW NG
BULKANG TAAL

NAKAALERTO ang mga tauhan ng AFP Southern Luzon Command at maging ang kanilang mga military asset sa posibleng massive evacuation kasunod ng pahayag ng state seismologist na maaring magkaroon ng malakas na pagsabog ang Bulkang Taal.

Ipinag utos na ni incoming AFP Southern Luzon Command chief Maj. General Bartolome Bacarro kasalukuyang 2nd Infantry Division commander na may sakop sa CALABARZON na ideploy ang kanilang mga tauhan, mga sasakyan at kagamitan sa mga apektadong municipalities sa paligid ng Taal Volcano.

Ayon sa Joint Task Group Taal na pinamumunuan ni Gen Rommel Tello, tuloy tuloy ang ginagawa nilang ugnayan sa local chief executives para asistihan ang mga ito sakaling maganap ang Taal Volcanic eruption.

Nabatid na on call din ang mga tauhan ng AFP SOLCOM habang naka-deploy na ang pu­wersa ng 2nd Infantry Division at Phil Air Force’s 730th Combat Group sa apektadong munisipalidad ng Batangas.
VERLIN RUIZ

6 thoughts on “(Nasa paligid ng Bulkang Taal) 1,392 RESIDENTE SA 13 BARANGAYS LUMIKAS NA”

  1. Another thing I’ve noticed is the fact that for many people, poor credit is the reaction of circumstances further than their control. For instance they may have already been saddled having an illness and because of this they have high bills going to collections. It might be due to a employment loss or inability to go to work. Sometimes divorce proceedings can truly send the financial circumstances in the undesired direction. Many thanks sharing your thinking on this site.

  2. Thanks for the sensible critique. Me and my neighbor were just preparing to do a little research on this. We got a grab a book from our local library but I think I learned more from this post. I’m very glad to see such wonderful information being shared freely out there.

  3. Good day very cool web site!! Guy .. Excellent .. Amazing .. I will bookmark your blog and take the feeds also?I’m glad to find a lot of useful info here within the submit, we’d like develop extra strategies on this regard, thanks for sharing. . . . . .

  4. 688281 728470Currently actually do not stop eating because there is however the decision which you will transform into. Function from your home us rrs often a fad for that who wants to earn funds however still enough time requires most substantial occasions employing children and kids goes for as the modern habit. attract abundance 600309

Comments are closed.