TINATAYANG aabot sa mahigit P 218 milyong halaga ng shabu na tinangkang ipuslit papasok ng Pilipinas ang nasabat ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency at Bureau of Customs sa isinagawang joint interdiction operation.
Batay sa ulat, nakapaloob sa apat na Machinery Mufflers ang mahigit sa 32 kilos ng shabu.
Batay sa ulat na isinumite sa tanggapan ni Customs Commissioner Bienvenido Rubio nasabat ng BOC- Ninoy Aquino International Airport (BOC-NAIA) ang kontrabando sa Paircargo Warehouse sa Pasay City.
Unang idineklara na mga “machinery muffler” mula Zimbabwe ang kargamento kaya idinaan sa masusing profiling ng Customs Intelligence and Investigation Service at x-ray screening ng X-Ray Inspection Project saka idinaan sa k9-dog sniffing at physical examination kung saan nadiskubre ang mga droga na nakapaloob sa mga tambutso.
Sa pakikipag-ugnayan sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), at NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (NAIA-IADITG) ay nadakip ang consignee na kinilalang si Christine Donoga Tigranes, 28-anyos, dalaga ng 224 Don Manuel St. Balingasa, Quezon City na nahaharap sa paglabas sa Customs Modernization Tariff Act and Comprehensive Dangerous Drugs Act.
Ayon kay NAIA District Collector, Atty. Yasmin O. Mapa, mas pinatindi nila ang kanilang border secure.
“This seizure represents the effective policies of the Bureau on border protection and underscores the effectiveness of the port’s customs officers,” ani Atty Mapa. VERLIN RUIZ