(Nasagasaan ng sports car) MAG-ASAWANG SCHOOL PRINCIPAL NAILIBING NA

sports car

ILOILO – NAILIBING na sa huling hantungan ang mag-asawang school principal at guro na nasagasaan ng sports car sa Sen. Benigno Aquino Jr. Avenue, Mandurriao, ­Iloilo City.

Dinaluhan ng mga kamag-anak, kaibigan, dating classmates, estudyante at mga kasamahan sa trabaho ang libing ng mga biktimang sina Joe Marie Osano, principal ng Lapaz II Elementary School, at Alnie Dinah Pet-Osano, master teacher II sa Ticud Elementary School.

Ang mag-asawa ay inilibing sa bayan ng Concepcion, Iloilo na siyang lugar ng kapanganakan ng babaeng Osano.

Sinabi ni Fr. Lorenz Torreflores, dating kaklase ng biktimang si Joe Marie Osano, na hangad nila na mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng mga biktima.

Ayon kay Fr. Torreflores na kura paroko ng isang parokya sa Laoag, sana ay magkaroon ng katahimikan ang kaluluwa ng mag-asawa. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM

Comments are closed.