NASALANTA NG KALAMIDAD TUTULUNGAN NG KAMARA

House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo

TAHASANG sinabi kanina ni House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo na bibigyang tulong ng Kamara ang mga lugar na naapektuhan ng mga kalamidad.

Sa ambush interview, sinabi ni Arroyo na sa kanilang caucus kahapon kasama ang mga kaalyadong kongresista ay tinukoy nila ang mga lugar na lubhang nangailangan ng tulong.

Aniya, nasa siyam na mga distrito ang inis­yal nilang natukoy na apektado ng kalamidad.

Paliwanag nito, hahanap sila ng paraan upang makapagbigay ng kinakailangang  ayuda mula sa Kamara.

Samantala, tiniyak ni Arroyo na rati­piskasyon ng  Bangsamoro Organic Law.

Gayundin, inihayag ni Arroyo na hindi pa sila nakakapag-usap ni dating House Speaker Pantaleon Alvarez  kaya’t hindi pa natatalakay ang naganap na rigodon sa Kamara.  CONDE BATAC

Comments are closed.