(Nasampolan sa strike one policy?) PNP REGIONAL 7 DIRECTOR SIBAK

Archie Gamboa4

CAMP CRAME – IPINAG -UTOS ni Philippine National Police (PNP) Chief,  PGen. Archie Francisco Gamboa ang pagsibak kay Brig. Gen. Valeriano De Leon, Regional Director ng  Police Regional Office-7 sa  Central Visayas.

Si De Leon ay hinalinhan ni PBGen Albert Ignatius D. Ferro, kasalukuyang Deputy Regional Director for Operations ng National Capital Region Police Office.

Una rito, tatlong senior police officers na tauhan ni De Leon ang sinibak din ni Gamboa dahil sa paglalaro ng golf sa mga araw na may trabaho o weekdays.

Hindi lamang ipinag-utos ni Gamboa ang pag-relieve sa tatlong senior officers sa halip ay bina­laan pa nito si De Leon na naka-strike one na siya.

Sinabi naman ni PNP Spokesman, BGen Bernard Banac na ang pag-alis kay De Leon ay resulta ng evaluation.

Tulad ni De Leon na inilagay sa Office of The Chief PNP o floating status sina Police Col. Emma Libunao, Bulacan PNP Provincial Director at Police Colonel Gil Francis Tria, Deputy Director for Operations ng  Highway Patrol Group.

Pinaalalahanan ni Gamboa ang lahat ng PNP Regional Directors hinggil sa PNP’s hard line stance laban sa lahat ng uri ng gambling activities at iba pang krimen kontra sa public morals sa kanilang nasasakupan. VERLIN RUIZ

Comments are closed.