(Nasapol ng suspension ng work visa) AYUDA SA OFWs SA KUWAIT

BIBIGYAN  ng ayuda ng pamahalaan ang mga overseas Filipino worker na naapektuhan ng suspensiyon ng work visa sa Kuwait.

Inihayag ni Foreign Affairs Assistant Secretary Paul Cortes na isasama sa National Reintegration Program ng Department of Migrant Workers (DMW) ang mga apektadong manggagawa.

Ayon kay Foreign Affairs Assistant Secretary Paul Cortes, isasama sa National Reintegration Program ng Department of Migrant Workers (DMW) ang mga apektadong OFW.

“Para mabigyan sila ng tulong at ayuda considering alam nila kung ano iyong mga pinagdaanan at alam nila what they had to give up just to the flight to Kuwait,” pahayag ni Cortes.

Sinuspinde ng Kuwait ang pagbibigay ng bagong entry visa sa mga OFW dahil sa umanoý paglabag ng Pilipinas sa 2018 bilateral labor agreement nang magtatag ng shelter ang pamahalaan para sa mga distressed OFW.

“Well, nagpadala na sila (Kuwait) ng official note na suspended nga ang new visas,” ani Cortes.

Sinabi pa nito na kung walang resident visa o tinatawag na ‘iqama ay hindi na puwede pumasok. Pero kung babalik ng Kuwait dahil doon naman na nagtatrabaho, puwede ka namang pumasok, ani Cortes.

Samantala, magtutungo sa Kuwait ang mga opisyal ng Department of Foreign Affairs at Department of Migrant Workers ngayong Mayo para kausapin ang Kuwait matapos itigil ang pag-iisyu ng entry visa sa mga OFW.

Nanindigan si Cortes na walang nilalabag sa 2018 bilateral labor agreement ang Pilipinas sa Kuwait nang magtatag ng shelter ang pamahalaan para sa mga distressed OFW.

Paliwanag nito na ayon sa batas na maaring magtatag ng shelter ang embahada ng Pilipinas sa Kuwait para sa mga OFW na nangangailangan ng tulong.

Nais umano ng pamahalaan ng Kuwait na tanggalin ang shelter sa embahada ng Pilipinas dahil nagiging takbuhan ito ng mga runaway household workers.

Sa ngayon ay wala pa namang pormal na komunikasyon ang Kuwait sa pamahalaan ng Pilipinas kaugnay sa nasabing isyu.