PATULOY na nadaragdagan ang bilang ng mga nasasawi nang dahil sa aksidente sa kalsada sa Filipinas sa nakalipas na mga taon.
Sa Global Status Report on Road Safety ng World Health Organization (WHO), sa taong 2016, nakapagtala ng 12,690 na nasawi dahil sa aksidente sa kalsada.
Mas mataas ito ng 2,000 kumpara noong 2015.
Sinabi ng WHO, ang mga nasawi ay kinabibilangan ng mga drayber at pasahero ng 4-wheeled vehicles, heavy trucks, mga bus, mga motorsiklo, cyclists at maging mga pedestrians.
Bahagi rin ng ulat noong 2016, mayroong 9,251,565 na bilang ng mga rehistradong sasakyan sa Filipinas. Sa nasabing bilang 5,329,770 o mahigit kalahati ay motorsiklo.
Ang 4-wheeled vehicles na rehistrado ay nasa 3,434,329; habang mayroong 407,357 na rehistradong heavy trucks at 29,794 na rehistradong bus
Comments are closed.