NASAWI SA BAGYONG ODETTE UMAKYAT NA SA 208

UMABOT na sa 208 ang mga napaulat na bilang ng mga nasawi dahil sa pananalasa ng Bagyong Odette.

Batay ito sa report ng Philippine National Police Operation Center na ibinigay ni PNP Spokesperson Police Col. Roderick Alba.

Pinakamaraming nasawi sa Central Visayas na 129.

Sinundan ng 41 sa CARAGA at 24 saWestern Visayas.

Naitala rin ang 7 nasawi sa Northern Mindanao, 6 sa Eastern Visayas at 1 sa Zamboanga peninsula.

Napag-alaman na ang mga dahilan nang pagkasawi ng mga ito ay dahil sa pagkalunod, nabagsakan ng puno at debris at pagkabaon sa gumuhong lupa.

Batay pa sa datos ng PNP na 239 ang nasaktan dahil sa Bagyo habang 52 naman ang nawawala at patuloy pang hinahananap. REA SARMIENTO