NASAWI SA C-130 TRAGEDY PUMALO NA SA 52

NADAGDAGAN pa ang nasawi sa C-130 tragedy, ayon sa Armed Forces of the Philippines (AFP).

Sa impormasyong nakarating sa PlLIPINO Mirror, pumalo na sa 52 ang nasawi sa pagbagsak ng newly refurbished na C-130 Hercules Cargo plane na may body number 5125.

Samantala, sinimulan ng binuong investigating task group ang pag analisa sa nilalaman ng black box o flight data recorder ng nasabing air craft.

Ayon kay AFP Chief of Staff General Cirilito Sobejana walang inaksayang panahon ang binuong probe team mula 220th airlift wing matapos na matagpuan ang black box bandang alas-11:00 ng umaga sa Barangay Bangkal malapit sa Jolo Airport.

Una rito inihayag ni AFP Western Mindanao Command Chief LtGen. Corleto Vinluan na agad niyang ipinag-utos na ikordon ang one kilometer radius na saklaw sa binagsakan ng military transport plane at deklarang restricted area ito upang matiyak uncontaminated ang mga makakalap na ebidensiya.

Nabatid na nasa area ngayon ang investigating team mula sa 220th Airlift Wing at PAF Mobility Air Command.

Magugunitang agad na ipinag utos ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang pagsasagawa ng ‘full investigation’ sa pagbagsak ng C130 plane sa Sulu na ikinasawi ng 49 sundalo at tatlong sibilyan at ikinasugat din ng 47 sundalo na ang ilan ay nasa malubha pang kalagayan.

Sa isang panayam kay Gen Sobejana , sinabi niyang may nakausap siyang survivors na kumukumpirma sa mga naglalabasang balita na may mga tumalsik na sundalo at tatlong beses pang tumalbog ang C-130 bago sumalpok at sumabog. VERLIN RUIZ

5 thoughts on “NASAWI SA C-130 TRAGEDY PUMALO NA SA 52”

  1. 332962 720383Wow, incredible weblog layout! How long have you been blogging for? you make blogging appear simple. The overall appear of your site is fantastic, as nicely as the content material! xrumer 921296

  2. 852916 361471Youre so cool! I dont suppose Ive learn something like this before. So excellent to search out any person with some unique thoughts on this topic. realy thanks for starting this up. this website is 1 thing thats wanted on the net, somebody with a bit originality. useful job for bringing 1 thing new towards the internet! 846784

Comments are closed.