NASAWI SA COVID-19 BUMABA

INIULAT ng Department of Health (DOH) na nakapagtala pa sila ng 6,426 bagong kaso ng COVID-19 sa bansa nitong Lunes ng hapon.

Ayon sa DOH, dahil sa mga naturang bagong kaso ng sakit ay umaabot na ngayon sa 1,322,053 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa.

Gayunman, sa naturang total cases, 59,096 na lamang ang aktibong kaso, kabilang dito ang 91.8% na mild cases, 3.9% asymptomatic, 1.3% ang critical cases, 1.8% ang severe at 1.28% ang moderate cases.

Samantala, may 7,145 namang naitala na bagong gumaling mula sa virus.

Sa ngayon ay umaabot na sa 1,240,112 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober mula sa COVID-19 sa bansa.

May naitala namang 57 bagong nasawi dahil sa virus kaya’t ang total COVID-19 death toll sa Filipinas ay nasa 22,845 na sa ngayon.

Nabatid na mayroong 12 duplicates ang tinanggal sa total case count, kasama ang siyam na recoveries.

Sampung kaso na unang tinukoy na gumaling mula sa sakit, ngunit malaunan ay natukoy na pumanaw na pala, sa isinagawang pinal na balidasyon. Ana Rosario Hernandez

3 thoughts on “NASAWI SA COVID-19 BUMABA”

Comments are closed.