NASAWI SA COVID-19 SA BUONG MUNDO, 6.02-M NA

NASA 6.02 milyon na ang bilang ng mga nasawing pasyente ng COVID-19 sa buong mundo.

Batay sa huling tala, umakyat na sa kabuuang 6,027,357 ang nasawi sa iba’t ibang bansa sa nasabing sakit.

Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang nasawi ang Estados Unidos na may 985,914.
Sumunod ang Brazil na may 652,418. India nasa 515,241 habang 356,949 ang napaulat na nasawi sa Russia.

Sa Mexico – 319,901, Peru – 211,108, United Kingdom – 162,141, Italy – 156,017, Indonesia – 150,430, France – 139,451, Colombia – 139,120, Iran – 138,116, Argentina – 126,842. Germany – 124,716, Poland – 112,551, Ukraine – 106,679 at Spain – 100,574.

Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 448,175,126 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.

Nasa 382,342,746 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.
Sa Pilipinas ay huling iniulat na mayroong kabuuang 56, 770 pasyente ang nasawi sa COVID-19.