NAGING triple ang bilang ng itinaas ng mga namatay na Covid-19 patients sa nakalipas na dalawang linggo sa National Capital Region (NCR).
Ito ang lumabas sa isinagawang pagsasaliksik ng OCTA Research kung saan pawang mga nasa edad 65 pataas ang namamatay.
Napag-alamang mula Marso 28 hanggang Abril 13, pumalo sa 5.36 porsiyento ang itinaas ng mortality rate kumpara sa 1.82 porsiyento na case fatality rate.
Ang mga napunong ospital na hindi kayang tumanggap ng mga pasyente ang isa sa mga pangunahing dahilan ng pagkamatay ng maraming tinamaan ng Covid-19.
Dumagdag pa ang pagdami ng ibat-ibang uri ng variant na halos nagkasabay-sabay na dumapo sa mga pasyente.
Bunsod nito, inirekomenda ng OCTA Research na unahing bakunahan ang mga senior citizen at iba pang nasa vulnerable sectors upang may panlaban ang mga ito sa virus. BENEDICT ABAYGAR, JR.
258318 342681What a lovely weblog page. I will surely be back once more. Please maintain writing! 647130