NASAWI SA DENGUE SUMAMPA NA SA 303

DENGUE-3

MAHIGIT  sa  300 katao na ang nasasawi sa dengue mula Enero hanggang Mayo ng taong ito.

Ayon sa World Health Organization (WHO) Philippines, mula Enero1 1 hanggang Mayo 18 ay pumapalo na sa 303 ang kumpirmadong nasawi dahil sa dengue.

Gayunman, umaabot na sa 328 ang death toll sa unang 20 linggo ng 2019.

Mahigit 70,000 naman ang cumulative number o bilang ng suspected cases ng dengue sa buong bansa sa loob din ng 20 linggo.

Dahil dito, patuloy na pinag-iingat ng WHO ang mga mamamayan  laban sa dengue at ang naka-mamatay na mga kumplikasyong dulot ng sakit. Judith Estrada-Larino

Comments are closed.