INAMIN na ng Kapamilya young actor na si Nash Aguas na mag-on na sila ng Kapuso actress na si Mika dela Cruz.
Memorable sa kanya ang October 25 dahil ito ang petsang sinagot siya ng actress.
Kuwento pa niya, isang taon niyang niligawan si Mika bago niya napasagot ito.
“Noong bata pa kami, crush na crush ko talaga siya to the point na ako iyong nagbibitbit ng bag niya. Noon pa man, nagparamdam na ako sa kanya na hindi kita gustong maging kaibigan, gusto kitang maging girlfriend. Kasi siya sa sobrang takot niya sa Ate niya, sobrang tinatarayan niya ako, sobrang maldita siya sa akin, so humantong ako sa point na napagod ako,” tsika niya.
Gayunpaman, sa kabila raw ng mga taon, hindi nawala ang pagsinta niya sa kapatid ni Angelica.
Dagdag pa niya, hindi raw si Mika ang third party sa naging hiwalayan nila ng dating screen partner na si Alexa Ilacad kung saan umabot sa mutual understanding ang kanilang relasyon.
Wala rin daw sa bokabularyo niya ang maging two-timer o pagsabayin ang dalawa.
“Hindi kami naging ni Mika noong may MU pa kami ni Alexa. Sa pamilya naman namin, iyong mom at dad ko, hindi nag-work out so bakit ako mag-i-initiate ng something na hindi tama,” esplika niya.
Hirit pa ni Nash, proud siya kay Mika bilang girlfriend.
“I think, pag nagmahal ka naman, dapat panindigan mo. Responsibility mo iyon. Iyong iba, maybe, takot lang mag-commit, pero kung mahal mo ang isang tao, proud kang ipagsigawan sa mundo na mahal mo siya,” paliwanag niya.
Deklara pa niya, hindi rin daw siya nag-wo-worry na tulad ni Alexa ay mauwi sa hiwalayan ang kanilang relasyon ni Mika, lalo pa’t magkaiba sila ng network na pinagtratrabuhan.
Dugtong pa niya, hindi raw siya natatakot sa anumang kalalabasan ng pagiging vocal niya sa kanyang feelings kay Mica pagdating sa maging epekto nito sa mga ka-love team niya sa Dos.
Happy naman si Nash dahil nabigyan siya ng project kung saan napasabak siya sa mga action scenes.
“Ito kasing “The Class of 2018” parang banlaw siya sa akin. Iyon kasing ginawa ko noong “The Good Son” at pati iyong “Bagito”, masyado siyang intense. So, gusto ko namang gumawa ng something light na ma-e-enjoy ko at ito iyong project na iyon,” bulalas niya.
Papel ni RJ, isang ‘cool kid’ na galing sa nakaririwasang pamilya na miyembro ng patapong class Zamora na nasangkot sa pagsugpo ng misteryosong virus ang role ni Nash sa “The Class of 2018”.
Kabituin din ni Nash sa “The Class of 2018” sina Sharlene San Pedro, CJ Navato, Kristel Fulgar at Kiray Celis.
Nasa supporting cast din sina Yayo Aguila, Adrian Alandy, Dido dela Paz, Alex Medina, Sherry Lara, Michelle Vito, Ethan Salvador, Jomari Angeles, Kelvin Miranda, Nikki Gonzales, Lara Fortuna, Aga Arceo, Shara Dizon, Hanna Francisco, Renshi de Guzman, Dylan Ray Talon, Micah Jackson, Jude Matthew Servilla, John Vic De Guzman, Yvette Sanchez, Jerom Canlas, at Noubikko Ray.
Palabas na ang pinakaaabangang suspense thriller simula sa Nobyembre 7.
Comments are closed.