NIYANIG ng 4.8 magnitude na lindol ang bayan ng Donsol sa Sorsogon bandang alas-10:28 ng gabi noong Disyembre 17.
Makaraan ang pagyanig, naitala ang limang aftershocks.
Na-trace ang epicentre ng tectonic in origin na lindol sa layong walong kilometro timog ng nasabing bayan at may lalim na 16 Kilometro.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology, naitala ang Intensity III sa Legazpi City; Intensity II sa Iriga City; Pili, Camarines Sur; Malunay, Quezon at Intensity I sa Sipocot, Camarines Sur.
Nasa limang mga aftershocks na ang naitatala ng mga instrumento, una ang magnitude 2.5 bandang 10:32 ng gabi, magnitude 2.3 ng 10:33, magnitude 3.1 ng 10:41 at Magnitude 2.4 sa 10:44.
Habang pinakamalakas ang magnitude 4 na naitala bandang 10:58 ng gabi. EUNICE CELARIO