PINAIIMBESTIGAHAN ni Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) OIC-General Manager at Assistant Secretary Eymard Eje sa Safety and Security Unit ng rail line ang pagkasunog ng isang bagon ng tren nitong Sabado, Oktubre 9 ng gabi sa area ng Makati City na ikinasugat ng walong pasahero nito.
Sa isang pulong kasama ang maintenance provider ng MRT-3 na Sumitomo-MHI-TESP kahapon, sinabi ni Eje na titignan ng pamunuan ang lahat ng posibleng anggulo hinggil sa pangyayari upang malaman ang puno’t dulo nito at upang hindi na maulit ang insidente.
Nabatid na sinimulan na rin ng MRT-3 nitong Lunes ng umaga ang masusing inspeksiyon ng iba’t ibang components ng depektibong bagon bilang bahagi ng imbestigasyon sa pagtutukoy sa sanhi ng insidente.
Kasama sa pag-inspeksiyon ang maintenance team, technical personnel ng MRT-3 sa pangunguna ni Director for Operations Michael Capati at Safety and Security Unit sa pangunguna ni Ret. BGen. Joselito Salido.
Magugunitang isang bagon ng MRT-3 ang nag-apoy habang bumibiyahe mula sa Buendia Station patungong Guadalupe Station sa Makati City.
Dahil dito, nataranta ang mga pasahero at nagtalunan sa riles na nagresulta nang pagkasugat ng walo sa kanila. EVELYN GARCIA
First of all, thank you for your post. totosite Your posts are neatly organized with the information I want, so there are plenty of resources to reference. I bookmark this site and will find your posts frequently in the future. Thanks again ^^