(Natakot sa tumataas na kaso ng COVID-19) 5K PINOY SA SABAH GUSTO NANG UMUWI

Defense Secretary Delfin Lorenzana-3

DAHIL sa  takot na madapuan ng COVID-19, mayroong 5,000 Filipino sa Sabah, Malaysia ang nais ng makauwi sa Filipinas.

Ayon kay  Defense Secretary Delfin Lorenzana, chairman ng  National Task Force (NTF) Against COVID, nagpahayag ng pangamba ang mga Pinoy sa nasa Sabah dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng kaso ng COVID-19.

Nilinaw nito, hindi naman pinapaalis ng pamahalaan ng Malaysia ang mga Pinoy pero nagboluntaryo ang ito na pauwiin na sila.

Ani Lorenzana, karamihan sa mga nagnanais na makabalik ng Filipinas mula sa  Sabah ay taga-Bangsamoro region, kung saan 70 hanggang 80 porsyento ay mula Tawi Tawi.

Sa ngayon, sinabi ng kalihim na nasa 1,570 Pinoy na ang nakauwi habang 3,300 pa ang naghihintay ng repatriation. VERLIN RUIZ

Comments are closed.