(Natanggap na Christmas gift) JR NI FAELDON NAKALAYA NA, KASO DISMISSED

faeldon

CAMARINES SUR – MAGANDANG regalo ang natanggap ng pamilya Faeldon makaraang palayain na si Nicanor Faeldon Jr.

Bukod sa paglaya ni Jr. na-dismiss din ang kasong paglabag sa Section 6 ng RA 9165 o ang maintenance of drug den.

Disyembre 14 nang masabit ang nakababatang Faeldon sa ginawang search operation sa tinutuluyan nitong bahay sa Barangay Mabolo, Naga City na umano’y drug den na pag-aari ni Russele “Bubbles” Lanuzo, ama ng girlfriend nito na siyang subject sa operasyon.

Nanindigan si Sandra Mae Lanuzo, live-in partner ni Nicanor Jr., masaya siya sa pagkaka-dismiss ng kaso ni Faeldon lalo na’t alam niyang wala itong kasalanan.

Ayon kay Lanuzo, ibinasura ng prosecutor ang kaso dahil umano sa kakakulangan ng ebidensiya na kanila na umanong inasahan.

Bukod kay Faeldon, nakalaya na rin sina Allan Valdez at Manuel Nebres na kasama sa mga nahuli sa nasabing operasyon.

Una rito, nagnegatibo sa drug test si Nicanor Jr. ngunit nagpositibo naman ang subject ng operasyon na si Bubbles na sa ngayon ay nananatili sa kustodiya ng Naga City Police Office (NCPO) habang hinaharap ang kasong may kaugnayan sa ilegal na droga. PILIPINO Mirror Reportorial Team

Comments are closed.