(Natapos ang vaccination targets) INCENTIVES SA MGA BRGY, BIZ SECTOR

Nicanor Austriaco

DAPAT bigyan ng insentibo ang mga barangay at mga negosyo na nakakamit na ng vaccination targets.

Ayon kay OCTA Research fellow Fr. Nicanor Austriaco, kailangang kilalanin din ang mga  barangay sa pagkamit ng ‘herd immunity’ sa pamamagitan ng kanilang ginampanan sa pagpapatupad ng  curfew hours.

Maging ang mga businesses umano ay kailangan ding bigyan ng pabuya sa kanilang napagtagumpayang ‘herd immunity’  dahilan upang alisin na ang face mask policy sa workplace kung ang mga ito ay fully vaccinated na, ayon sa molecular biologist sa webinar na inorganisa ng  Cardinal Santos Medical Center.

Mungkahi pa ni Austriaco na payagan na ring makalabas ng kanilang  tahanan ang  mga senior citizen  na nakakumpleto na ng bakuna pero kailangang pagsuutin pa rin ng face masks.

Maging ang  ‘indoor dining’ ay dapat na rin umanong payagan para sa mga indibiwal na tapos na ang dalawang does ng bakuna.

Una rito, sinabi ni vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. na prayoridad ng vaccination program ang mga lugar na may significant number ng Covid-19 cases na kinabibilangan ng National Capital Region, Metro Cebu, Metro Davao, Bulacan, Batangas, Cavite, Laguna, Pampanga, and Rizal, batay na rin sa  Department of Health (DOH).

Payo naman ni Austriaco, upang makamit ang ‘herd immunity’ sa mga nasabing lugar bago  mag-Pasko, kailangang ng bansa na mangasiwa ng  200,000 hanggang 300,000 doses kada araw mula Hinyo  1 hanggang Nobyembre 30. BENEDICT ABAYGAR, JR.

25 thoughts on “(Natapos ang vaccination targets) INCENTIVES SA MGA BRGY, BIZ SECTOR”

  1. 622431 310718What a exceptional viewpoint, nonetheless is just not produce every sence by any means discussing this mather. Just about any technique thanks and also i had try and discuss your post directly into delicius but it surely appears to be an concern inside your blogging is it possible you must recheck this. thank you just as before. 790120

Comments are closed.