PIRMADO na ni Pangulong Duterte ang executive order na bubuo sa National Amnesty Commission (NAC).
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, ang paglikha sa NAC ay bahagi ng hakbanging ng pamahalaan para ialok ang kapayapaan sa iba’t ibang grupo na lumalaban sa pamahalaan.
Ang NAC ay kinabibilangan ng pitong miyembro kasama ang chairperson, dalawang regular members na itatalaga ng Pangulo.
Ang mga ex-officio member ay mga kalihim mula sa Department of Justice, Department of National Defense, Department of Interior and Local Government, at Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity (PAPRU).
Ang PAPRU naman ang magsisilbing secretariat ng komisyon.
“The primary task of the National Amnesty Commission is to accept and process the application of the amnesty and determine the applicants who can avail this in connection with the recent amnesty proclamations pending concurrence of Congress,” paliwanag sa media ni Roque.
Kinumpirma rin ni Roque na ipinadala na ng Malacanang ang amnesty proclamations sa Congress para sa concurrence o tratado nito.
Sa ilalaim ng 1987 Constitution, ang Pangulo ng bansa ay binigyan ng kapangyarihan na maggawad ng amnestiya para sa nagrebelde sa pamahalaan.
Magugunitang pursigido ang pamahalaan na mahimok ang mga miyembro ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front na magbalik loob sa pamahalaan at maging normal na ang pamumuhay. EVELYN QUIROZ
Comments are closed.