WALANG kiber si Star-for-all-seasons Vilma Santos kung maigawad man sa kanya ang National Artist Award o hindi. Mas mahalaga raw sa award-winning veteran actress ang panawagan niya sa gobyerno at mga pribadong sektor na tulungan siyang kumalap ng pondo upang mapangalagaan at ma-restore ang mga lumang pelikula, lalo na ang mga ginawa noong ’70s hanggang 2000s. Usto niyang maiayos ito sa film format.
Para umano ito sa Generation Z upang makita nila kung paano gumawa ng pelikula ang mga Filipino noong araw.
Sa Frassati auditorium ng University of Santo Tomas, nagkaroon ng pecial screening ang mga restored version ng pelikulang “Anak” ni Rory B. Quintos. Sinulat ito ni National Artist for Film Ricky Lee, na isa rin sa mga guests of honor.
Ani Ate Vi, magsisilbing inspirasyon ang mga restored movies sa mga kabataan upang malaman nila kung ano ang mga dinanas ng kanilang mga ina at lola noong panahon nila.
Adbokasiya umano ni ate Vi na makapagbigay ng pamana sa kabataan kait man lamang sa mga restored movies.
Kaagapay niya dito ang “CCP Cine Icons,” UST, at ang Cultural Center of the Philippines (CCP), sa pakikipagtulunga ng Sagip Pelikula, na isang film restoration initiative ng ABS-CBN at Central Digital Lab.
Ipinalabas din ang “Bagong Buwan” sa ilalim ng direksyon ng isa pang National Artist for Film na si Marilou Diaz-Abaya, na sinulat din ni Lee at pinagbidahan naman ni Cesar Montano.
Sa ngayon, bihira nang gumawa ng pelikula si Vilma Santos. Tinanggian nia ang isan sitcom kasama ang anak na si Luis Manzano. Tinanggian rin niya ang alok ni Alden Richards dahil wala pa itong Magandang script. May gagawin daw siyang action movie with director Erik Matti, ngunit hindi pa nila ito napapag-usapan ng maayos.
Huling movie ni Ate Vi ang “When I Met You in Tokyo,” kapartner si Christopher de Leon, sa katatapos na Metro Manila Film Festival, kung saan nanalo na naman siyang best actress.
At tungkol naman sa pagiging National Artist ni Ate Vi, makukuha umano niya ito kung talagang para sa kanya, at kung hindi naman, okay lang.NLVN