NATIONAL ASSEMBLY NG PIMENTEL FACTION ‘DI PIPIGILAN NI CUSI

Alfonso Cusi

HINDI pipigilan ng grupo ni Energy Secretary Alfonso Cusi ang idaraos na national assembly ng isang paksiyon ng ruling party PDP- Laban sa pangu­nguna  ni Senador Koko Pimentel.

Subalit sinabi sa DWIZ ni Atty. Melvin Matibag, Secretary General ng PDP-Laban na ilegal ang nasabing hakbang ng grupo ni Pimentel dahil tanging ang Chairman lamang ng partido na si Pangulong Rodrigo Duterte ang uub­rang magpatawag ng national assembly.

“Kung sila po ay tumuloy sa pagpupulong nila, iyan naman po ay hindi natin pipigilan, pero kung anuman po ang pagpapasyahan nila na ayon po sa liderato o anumang gagawin ng PDP-Laban, ito po ay maituturing na isang illegal sapagkat ang konstutisyon po ng ating PDP-Laban pwede lang po magpatawag ng pagpupulong kung ito ay national assembly ay ang Chairman ng partido walang iba kundi si Pa­ngulong Duterte,″ paha­yag ni Matibag.

Gayunman, binigyang diin ni Matibag na wala namang magiging parusa sa grupo ni Pimentel dahil malayang magpulong ang mga miyembro ng ruling party.

Wala naman aniya siyang idea kung anong pulong ang gagawin nina Pimentel dahil natapos na ang isinagawang national assembly ng PDP-Laban noong Sabado kung saan nahalal na Pangulo si Cusi.

“Wala naman po sapagkat ang PDP-Laban po ay malayang nakakapagpulong kung anuman ang pagpupulungan nila. Subalit kung ito po ay lumabag at nakakasira sa partido sila po ay kaila­ngan nating pagsabihan. Kung kailangan pong patawan ng karampatang parusa ay iyon po ay dadaan sa proseso,” wika ni Atty. Melvin Matibag sa panayam ng DWIZ.

Sinabi pa nito na tapos na ang squabble o awayan sa ruling party PDP-Laban dahil tapos na ang national assembly ng partido noong Sabado kung saan nakaboto ang mga aktibong miyembro at nahalal nga si Cusi.

Tapos na po ang sinasabing aligasgas o squabble kasi nagkaroon na po ng eleksyon noong Sabado na kung saan ang mga liderato at mga mi­yembro na maaaring makaboto kung sino ang dapat mamuno sa  PDP-Laban ay nagdesisyon na unanimously kung sino ang po ang mamumuno. Kaya lahat po ng opisyales ngayon mula sa Presidente hanggang sa Chairman ng mga committee ng PDP-Laban ay mayroon pong malinaw na mandato na nangagaling po mula sa mga liderato at miyembro ng PDP-Laban, ″ dagdag pa ni Atty Matibag sa panayam.

54 thoughts on “NATIONAL ASSEMBLY NG PIMENTEL FACTION ‘DI PIPIGILAN NI CUSI”

  1. 270493 911592Hi. Cool post. Theres an concern together with your site in chrome, and you could want to test this The browser may be the marketplace chief and a excellent element of individuals will omit your outstanding writing because of this issue. 232892

  2. 661804 328123Aw, this is an extremely good post. In thought I would like to put in spot writing like this moreover – spending time and actual effort to create a excellent article but exactly what do I say I procrastinate alot by way of no indicates appear to get something accomplished. 390721

Comments are closed.